Thursday, November 2, 2017

Late!

Hey Marlon,

Kamusta ka na? Marami ka na bang kwento? Ako marami, pero nakalimutan ko na lahat, kasi lagi ako caught up in the moment with something. Like right now Im cramming for the in service. Masyado ko kasi tinatake for granted and Radio, kaya gusto ko na magbagong buhay. Tanong diyan, gaano katagal kaya maglalast pagbabagong buhay ko.

Sawa na rin ako sa katabaan ko. Last donut ko na yon kanina. :( And last milk tea. T.T Noooooo. Sawa na rin kasi ako sa fact na di na ako magkasya sa mga damit ko at sa itsura ko. Pero di ako magsasalita at magplaplano. Pagnangyari na saka ko ikwekwento. Lagi kasi ako tatamarin pagnasa bahay na, lumabas. Isa pa, lagi kasi kung ano ano kinakain ko. Kailangan ko talaga ng disiplina, na malamang wala ako.

Di naman ako nagseself pity sa sarili ko kasi alam ko naman kasalanan ko kung bakit ako ganito ngayon. I mean I could do something di ba. Pero dahil sa katamaran at kagustuhan na lagi tulog, ayon tuloy.

Nagbenta pala kami ng ticket DIC, nandon dad mo. Muntikan napressure. Haha. REquired din ba kayo sa justice league tickets na yan. Daya talaga ng school. Di naman toh para sa non profit organization, kundi sa isang profit organization. Im just complaining. Hehehe. I think your dad feels the same way sa kamahalan ng ticket. 450 wth di ba?! Kahit ako nagreact non narinig ko. Mabuti kung VIP cinema toh, pero hindi. Stop me from complainingggg.

Kinakaaddict ko na ngayon ang paghahanap ng affordable shoes kasi dinispose ko non panahon pa ni Gio kasi sira na sila. So Im looking for affordable long lasting shoes na di naman masakit sa paa. Been looking through vintage cole, mukhang affordable plus genuine leather naman siya. :) YOn kay Omar kasi mukhang nagdiscontinue na sila.

Alam mo yon credits ko sa airbnb, gagamitin na namin para sa girls night out ng radio. Sorry hindi na kita mahintay. :( Tagal mo eh!!! Plus I dont like waiting anymore marlon. Tignan mo nandulot ko sa paghihintay ko kay Gio, then kay Karlo, wala. Unfair din naman sa akin di ba? So no, hindi kita hihintayin. Pero wala rin naman ako nacrucrushan o napupusuan. wala naman din nagyayaya sa akin. Basta kwento lang ako ng kwento lang sa iyo. And magiging open ako.

Di ko na magagawa yon plano ko na bookbag. Sayang yon mga tela na nabili ko na. Sabi ng friend ni mommy na modista di kaya ng makina niya. So negative ngayon yon project. Just sucks. I was excited pa naman.

Yon mga iba kong plinplano saka ko na ishashare sa iyo pagnagawa ko na. Kasi pag sinasabi ko di na tutuloy. Tataba ako tataba ako tataba ako. Sanay yon na lang di matuloy di ba?

Sige magaral lang ako, then I have to go to the gym. Message you again.

ingat ka lagi. :) til next time,

Aileen