Marlon,
Ang dami kong time ngayon noh? Yeah, day off ko kasi sinamahan ko noon yon speaker, not to mention na stuck ako sa SM. Hate traffic. Impatient ako maghintay when stuck in it. At nakalimutan ko pa na strike nga pala, kaya sarado yon gov office sa mall. So no, di ko nakuha driver's license ko. Ugh.
After getting some macha (yes bawal, pero konti lang na caffeine ok lang wala ako naririnig na kung ano ano), I am now getting my nails done. Arte ko, sorry.
Sana may ibang way para makausap kita hindi sa sulat. I just feel bad, na ganito ulit yon paguusap. Kasi yes, I know Im over thinking, but ayoko isipin mo na panakip butas ka. Kaibigan kita na binabastos ko hehehe. Hey I couldn't wait for your consent, tagal mo eh. So ako na nagdesisyon. hehe. Pasensya na ah, sobrang advanced ko magdaydream.
Alam mo ba kung bakit jumping jacks yon name ng blog na toh. dapat talaga personal blog toh. Halo halo yon laman, kasi minsan gusto ko magluto, minsan exercise, minsan art, minsan travel, minsan write etc etc etc. Di ko natapos yon design kasi wala akong makitang magandang inspiration, kaya naging chaka yon itsura niya. Hate the color, or rather the lack of it. Honestly nakalimutan ko na programming ko. But I hated web design sa lahat lahat, kasi nagiging impatient ako sa pag aallign ng graphics. Mas gamay ko dati ang backend. Ngayon wala na akong alam! Nakakabasa lang ako, pero nakalimutan ko na yon strict syntax.
Kinakabusy ko yon design and pagcocoordinate ng mga designers na nakikita ko. Online kasi ako naghahanap parati, pati communication. Naghahanap kasi ako ng peg na design na pwede maging inspiration para sa resort. Mageexpand kami, at balak pa buksan yon isang lot, as coastal drift. Iniisip ko na nautical na lang maging theme OR tree houses. Pero camping ground muna. Ang problema sa treehouses ay yon availability ng kahoy, sobrang strict na ang DENR sa kahoy. OA na. As in walang kahoy available for construction sa Dinadiawan. Negative.
Alam mo kanina, naalala ko nanaman yon frat niyo. Mukhang hindi ko mapapatawad frat niyo. Pasensya na. Pero ok lang sa akin na kabilang ka don. Naiintindihan ko naman, malayo na narating mo, so why stop now di ba? Kahanga hanga na sagot. Don tayo magkaiba. SIguro iba lang yon napapanaw natin sa frat, ako negative, ikaw nakikita mo ang positive. But really, honestly cut me some slack, kasi matindi din ang nangyari sa akin. Ayoko na rin. Ito yon isa rin sa mga naging dahilan bakit kailangan ko kalimutan si Karlo, ayoko na. Gusto ko na rin maging masaya, at di ko kasiyahan ang lumaban araw araw. Badtrip naluha ako. Dapat di na toh iniiyakan. Di ko lang talaga style yan Marlon. Im the Ignore, and mind my own business kind of person, not the I will prove you wrong kind of person. Paki ko di ba. Tapos ang dami nangugulo sa iyo, na di mo naman kilala tapos ang feeling nila ang dami nilang alam sa buhay ko. Argh! Kaya ayoko na rin may boses sa isip ko. Gulo gulo. Problema nilang malaki buhay ko. Argh. Bad vibes lang talaga. Wala na akong pasensya. Ubos na! Gusto ko normal lang na buhay. Invisible, tahimik, minding my own business, and being with happy with the people na important sa akin. Kaya umiinom na rin ako ng gamot, pero aaminin ko nagcacaffeine ako pero konti lang. Gusto ko rin naman tapusin residency ko, lakas makaantok yon gamot! I need to go on duties din kasi. Pero no more expresso, namimili na rin ako kung gaano kalakas na drink. So please at least give me that. So sana wag ka magalit sa akin, please please please. Anyways wala naman ako naririnig. At siguro wala na silang paki sa akin dahil wala na akong association sa frat. Thank God! Shiyet, nabadvibes ako. Ok, remove negative energy lang ako. Sorry ang dami ko nareklamo.
Wag ka magagalit sa paguwi ko ah, first few months lang yan (pagnagising ako). Pagnaging mas fit ako, aagahan ko na ng gym, I can can finish the 3 or 5 km faster, at mas mbilis galaw ko.Pero sa ngayon kailangan ko magpalakas. At alam ko lagi ko yon sinasabi, kulang talaga ako sa gawa. So di ko na lang ssabihin. Ikaw na lang makakapansin dapat ang aura.
Now comes the tattoo. Naging part ng life ko rin naman si Karlo and co, sa ngayon Ill keep it. But when I, or we (kung gusto mo ako), to have a family, papalaser ko siya. Ill put everything behind me na rin. Unfair siya sa magiging husband ko.
I was gonna end with a take care. But I remembered yon pala yon sinasabi ko ngayon. YES Im overthinking, I just dont want to, yeah I know you know what I am going to say. I care about you Marlon, just wanted you to know that.
Next time ulit!
Aileen
No comments:
Post a Comment